Naka-upo sa baba ng mrt station sa shaw boulevard. Minamasdan ang mga taong paroo't-parito. May kanya-kanyang pinag-uusapan, may kanya-kanyang buhay. Naisip ko, sana tulad ng pagparoo't parito nila ang buhay ko. Sana madali lang, sana simple lang. Sana may sariling paraan upang mabuhay ng walang kumplikasyon. At sa bawat tanong na "kumusta kana?" ay may naiisip na magandang sagot.
Sana may simpleng sagot sa bawat tanong, kahit wala ng multiple choice, simpleng "yes or no". Sa pagitan pala ng "inhale - exhale" ay kaakibat nito ang magulong disenyo ng buhay. Sinasabi ko madalas sa sarili ko, " I designed my own life, in one word, it is simple..and yet too far from being perfect. It's simplicity brought complexity."
Lumalalim na ang gabi, malapit ng mag-sara ang mrt pero hindi pa rin alam kung North o South Bound ba ang tungo ko. Sa pagitan ng usok ng sigarilyong tangan ay unti-unting lumilinaw ang isip ko. Sa gitna ng magulong mundo ng kamaynilaan, natagpuan ko ang sagot sa tanong ko. Sa bawat letrang nasusulat ay katumbas ang milyon-milyong sakit na nadarama ko.
Uuwi na ako...bukas o sa susunod na araw..kung muli ako babalik dito, hindi na ganito ang nararamdaman ko..Namamaalam sa buhay-maynila.
Friday, December 17, 2010
Saturday, April 10, 2010
tahimik pero andaming tumatakbo sa isip ko..bakit ko nga ba 'to pinasok?bakit nga ba andito pa rin ako?wala akong ibang maisip na sagot maliban sa gusto ko subukan na matutunan nya akong mahalin uli..gusto ko subukan ung chance na sinasabi ng iba..ang sakit pala..lalo na yung chance na gusto mo hingin hindi naman gusto ibigay sa'yo..dapat hindi ako nasasaktan..dapat hindi nagrereact..pero etong mata ko,kusang tinutuluan ng luha..kusa nalang umiiyak kahit pinipigil ko..wala naman akong karapatan...araw araw nahuhulog na naman ang loob ko sa'yo..minamahal na naman kita..kaya nasasaktan na naman ako..mamaya matutulog na naman ako di ko mamamalayan kahit pag tulog ko iniiyakan kita..mahirap talaga tanggapin na hindi mo na ako mamahalin..di bale,makakasanayan ko na naman lang ito..yung masakit,mamamanhid na lang to..hanggang hindi ko na naman alam kung ano ung emosyon na nararamdaman ko....hanggang hindi ko na naman alam.....sabi ko kay Kuya Jess,tapusin na 'to..hinarap ko na diba..kala ko ba kapag naharap ko na malalaman ko ang sagot?..ilang araw?buwan?ko malalaman ang sagot?wag na taon..marami na akong taon na sinayang,marami ng taon na siya lang ang minahal ko..kahit sa ilang taon na yun,hindi naman nya naisip kung gano nya ako sinaktan..eto ba ung main role ko Lord?yung saluhin lahat ng masakit?...sabi ko lang naman sana maging masaya ako pero paano ba magiging msaya kung yung taong gusto mong makasama eh hindi ka naman mahal?....di bale,iyak mo lang yan april..pagka tapos...ok kana uli...kaya mo yan...kayang kaya...kasi wala kang ibang choice kundi makaya lahat..ilang taon na ba ako tinuturuan ng d'yos na maging matapang?..hindi ko pa ba nalelearn ang mga lesson ko?..bakit sa ganitong paraan?dahil eto ang weakness ko?gusto mo ba'ko Lord maging matapang sa pag handle ng pagmamahal ko sa kanya?mali ba na siya yung mahal ko?eh bakit naman hinahayaan mo ko..nalulunod na'ko..try mo naman sagipin ako..tutulungan ko din naman ang sarili ko eh..wag mo naman ako pabayaan lord..not this time..kasi hindi ko 'to kaya mag isa..kailangan ko yung pagmamahal mo ngayon,baka yun yung gumamot sa akin...nasasaktan na naman ako eh...lord,bantayan mo naman ako hanggang pag tulog ko...maramdaman ko yung yakap mo...para kahit sa tulog ko lang nakakapagpahinga yung puso ko..durog na durog na naman eh..ha?..please,dito ka lang lord...
Subscribe to:
Comments (Atom)