Naka-upo sa baba ng mrt station sa shaw boulevard. Minamasdan ang mga taong paroo't-parito. May kanya-kanyang pinag-uusapan, may kanya-kanyang buhay. Naisip ko, sana tulad ng pagparoo't parito nila ang buhay ko. Sana madali lang, sana simple lang. Sana may sariling paraan upang mabuhay ng walang kumplikasyon. At sa bawat tanong na "kumusta kana?" ay may naiisip na magandang sagot.
Sana may simpleng sagot sa bawat tanong, kahit wala ng multiple choice, simpleng "yes or no". Sa pagitan pala ng "inhale - exhale" ay kaakibat nito ang magulong disenyo ng buhay. Sinasabi ko madalas sa sarili ko, " I designed my own life, in one word, it is simple..and yet too far from being perfect. It's simplicity brought complexity."
Lumalalim na ang gabi, malapit ng mag-sara ang mrt pero hindi pa rin alam kung North o South Bound ba ang tungo ko. Sa pagitan ng usok ng sigarilyong tangan ay unti-unting lumilinaw ang isip ko. Sa gitna ng magulong mundo ng kamaynilaan, natagpuan ko ang sagot sa tanong ko. Sa bawat letrang nasusulat ay katumbas ang milyon-milyong sakit na nadarama ko.
Uuwi na ako...bukas o sa susunod na araw..kung muli ako babalik dito, hindi na ganito ang nararamdaman ko..Namamaalam sa buhay-maynila.
Friday, December 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment